Matagumpay ang pagbubukas ng Cine Republica 2017 sa Robinson's Place Malolos noong ika- 13 ng Pebrero taong kasalukuyan. Pinangunahan ang pagbubukas at paggugupit ng laso nina; Mayor Christian Natividad, BulSU President Dr. Cecilia N. Gascon, CBS Director Edilberto Larin, ESO Director Dr. Victor Ramos, Bulacan Salinlahi Chairman Isagani Giron, Kon. Enrico Capule, Kon. Alma Gatchalian, Kon. Nino Bautista, Sony Valencia (hurado), Ms. Aida Baluyot (puno, DAP) at mga opisyales ng Robinson's Place Malolos.

Sa tema ng film festival ngayong taon na may kinalaman sa proteksyon ng KALIKASAN at kahalagahan ng KASAYSAYAN ay ikinatuwa ng walong (8) kalahok ang suporta ng mga mag-aaral maging ang mga mahilig sa pelikula sa kanilang mga likha.

Nagpapasalamat din ang Cine Republica Inc. sa lahat ng sumuportana mula sa unang taon hanggang ngayong ikaapat nitong taon. Ito ay sa pinapakitang paniniwala sa layunin ng Cine Republica na makapagbigay ng edukasyon sa mga Pilipino sa pamamagitan ng biswal na materyal sa usaping pangkasaysayan, pangkultura at pangkalikasan.

Sa panayam naman sa ating Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ay kaniyang binigyang diin na ganitong mga pamamaraan ay marapat na maimulat natin ang manunuod at kalahok sa kahalaghan ng Cine Republica bilang isang materyal. Mahalagang mabigyang pansin kung bakit natin ipinagdiriwang ang Fiesta Republica. Ito'y sa kadahilanang ang adbokasiyang kilalanin ng buong Pilipinas ang Unang Republikang pinagmulan ng ating demokrasya na nagsimula sa makasaysayang Lungsod ng Malolos. Tatagal ang pagpapalabas ng mga pelikula hanggang sa ika-22 ng Pebrero, 2017 sa ganap na ika- 7 hangang 10 ng umaga.