Lungsod ng Malolos. Pinagdiwang ang ika-118 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa buong bansa. Isa sa mga nagdaos ng nasabing mahalang yugto ng ating kasarinlan ay naganap sa Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain Lungsod ng Malolos.
Ipinagdiriwang ang “Araw ng Kalayaan o Kasarinlan” tuwing ika-12 ng Hunyo, Ang taunang paggunita nito’y makaraang lagdaan at pagtibayin ni dating Pangulong Diosdado Macapal ang Republic Act No. 4166 noong Agosto 4, 1964. Ito’y ibinase sa deklarasyon ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898 na pinangunahan ni Heneral Emilio Aguinaldo at mga Filipinong nakibaka noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Dito rin ay iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at pinatugtog ang Lupang Hinirang. Ang tema ng okasyon ngayong taon ay “Kalayaan 2016: Pagkakaisa, Pag-aambagan, Pagsulong.”
Naging Panauhing Pandangal at Tagapagsalita ang Senador ng Republika ng Pilipinas na si Igg. Cynthia A. Villar. Kaniyang pinaalalang ang Araw ng Kalayaan ang isa sa s’yang naging daan sa mga tinatamasa natin ngayon, kaya’t marapat natin itong ipagdiwang. Malugod naman siyang tinanggap ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad sa makasaysayang Lungsod ng Malolos at may galak na binigyang pagkilala ni Gob. Willie Sy Alvarado.
Nilahukan din ng mga estudyante, empleyado at opisyal ng pamahalaan at mga sangay ng gobyerno ang nasabing pagdiriwang.