Ipinagdiwang ang ika-isang daan at labing walong taong anibersaryo ng Araw ng Republikang Filipino,1899 noong Enero 23, 2017 sa harapan ng Simbahan ng Barasoain. Ang tema ng pagdiriwang ay “Republikang Filipina, Sagisag ng Demokrasya ng Bansa.”

Naging Panauhing Pandangal si DILG Secretary Ismael D. Sueno. Dumalo sa gawain sina Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, Mayor Christian D. Natividad, Vice Mayor Gilbert Gatchalian, mga bokal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, mga konsehal at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Ang isinagawang commemorative rites ay naglalayon na maiangat ang kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng Pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas na siya ring kauna-unahang demokratikong konstitusyon sa buong kontinente ng Asya at Africa. Kung dati’y kinikilala lamang tayo na lahing malay, nang dahil sa pagkakatatag ng Unang Republika ay pormal tayong nagkaroon ng pagkakakilanlan, tayo’y naging mamamayan ng bansang Pilipinas na may sariling batas at pamahalaan. Viva Republica!