Masaya ang Iskulimpiks ng Fiesta Republica na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center noong Enero 20, 2017. Ang Iskulimpiks ay olimpics ng mga eskwelahan ngunit ang labanan ay hindi yaong pamilyar na larong palakasan bagkus labanan sa kaalaman sa kasaysayan, larong pinoy, quiz bee, kakayahang mag-hip hop at pares na idolo ng kampus.

Sa taong ito mga senior high school students ang naglaban-laban. Ang mga paaralan na lumahok ay M.H.Del Pilar National High School, Lord’s Angel Montessori School, Ligas LKBP Integrated School Inc.,Bulacan Polytechnic College, AMA Computer Learning Center, CMIS Atlag, International Montessori Center at La Consolacion University. Bukod sa Karera ng Kasaysayan, naglaro din ang mga contestants ng Larong Pinoy. Ilan sa mga nilaro ng mga nakilahok ay ang kadang kadang, sipa, sack race at luksong lubid. Nagkaroon din ng paligsahan sa hip-hop dance at kampus idol. Ang mga Judges sa iskulimpiks ay sina Sonny Cristobal, Riya Brigino at Rolando Mendoza Panauhin si James Teng 2015 winner ng pamosang Start Struck.

Sa Palarong Pinoy Girls Division, nakamit ng unang gantimpala ang Lords Angels Montessori sa larong sipa. Sa Sack Race naman, ang Malolos Fisheries School and Laboratory ang nagwagi. Nasungkit ng CMIS – Atlag ang unang pwesto sa Luksong Lubid. Sa Boys Division, nagwagi ang Marcelo H. del Pilar National High School sa larong sipa at kadang-kadang. Sa larong sack race nagwagi ang BPC. Sa Hip-hop dance, nakuha ng Autonomous Marcelo ang unang pwesto. Itinanghal din ang MHPNHS na kampyon sa Iskulimpiks Quiz Bee. Sa Idolo ng Campus, itinanghal na Ginoong Kasuotan ang MHPNHS, Bini-bining Kasuotan ang CMIS – Atlag. Ang Ginoo at Bb. Magiliw ay nasungkit ng MHPNHS. Ang titulong G. at Bb. Campus ay nakuha ng MHPNHS at CMIS – Atlag.