KALUTONG MALOLOS
Ang KALUTONG MALOLOS ay isang timpalak sa pagluluto na may temang “Sariling Atin, Ipagmalaki Natin!” Ito ay nilahukan ng 51 Barangay sa Lungsod ng Malolos upang kanilang itampok ang kanilang ipinagmamalaking lutuin at inumin at ipakita ang kanilang kultura, tradisyon, karakter at pagkakakilanlan ng kanilang Barangay cluster.

Layunin nito na muling buhayin at tuklasin ang mga kalutong Malolenyo, maipakita ang angking kakayahan at husay ng mga kalahok sa pagluluto ng iba’t ibang putahe, pag-aayos ng hapag, pag-aayos ng buffete at maipapamalas ng mga kalahok at kanilang mga tagapagsanay ang kakaibang istilo at pagtuklas ng mga kalutong Malolenyo.