Naging masaya ang araw ng mga estudyanteng Malolenyo sa isinagawang Kwentuhang Iskolar ngayung araw kaalinsabay ng General Assembly at Awarding of Assistance sa libong estudyanteng Malolenyo.
Sa kuwento ni Mayor Christian Natividad  sa harap ng mga estudyante ay kinuwento nito ang pagiging working student niya noong siya ay Konsehal ng Lungsod ng Malolos. Ginawa umano niya ito dahil na rin sa hamon ng buhay, lalo na nang makita niyang umiiyak ang kaniyang ina at ipinakita sa kanya ng mommy niya ang laman ng wallet ng pumanaw niyang ama na nagkakahalagang 65 pesos lamang.
Sa diwa nito ay binigyan nya ng lakas ng loob ang mga kabataan na hindi hadlang ang kahirapan para di ka makapagtapos ng pag aaral basta't magsikap lamang at mangarap na makakatapps sya sa kanyang pag aaral.
Binigyang diin naman ni Vice Mayor Bebong Gatchalian ang paghihirap ng mga mag-aaral lalo na ang may kursong Turismo na di na nakakatulog ng maayos maging maganda lang ang kanilang presentation.
Ganundin umano ang mga architecture student na hindi na basta nakakapaligo dahil sa ginagawa nilang mga plates.
Hindi umano nila ito dapat sayangin dahil lasama ito sa kanila g pagsisikap.
Matapos nito ay ipinagkaloob na sa mga scholars ang kanilang mga dapat matanggap bilang tulong sa kanilang pag-aaral.