Ang Party Republica ay isinagawa sa huling araw ng pananatili ng mga delegado sa Lungsod ng Malolos.Tampok sa Party Republica ay ang pagtatanghal ng mga Malolenyo sa kanilang angking talento at pagkilala sa mga nagwagi sa nakaraang mga patimpalak. Ito ay isang munting konsiyertong handog ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng Tangapan ng Turismo, Sining, Kultura at Palakasan bilang pagtatapos ng Fiesta Republica 2017 para sa lahat ng mga tumulong , sumuporta, lumahok at nakiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Malolos.

Layunin nito na makapagbigay aliw sa mga manunuod, maipalamas ng mga Malolenvo ang kanilang husay sa pagkanta at pagsayaw at kilalanin ang mga nagwagi sa mga isinagawang patimpalak.