Lungsod ng Malolos. Matagumpay ang Sining Pandayan 2017 na ginanap noong Pebrero 23-24, 2017. Nauna ang Arkilikha na bahagi rin ng selebrasyon ng Fiesta Republica. Itinaon ang selebrasyon ng Sining Pandayan sa buwan ng Pebrero na “Arts Month.” Nagkataon naman na ang Pandayan Bookstore ay magdadaos din ng “Arts Month” kaya nagsanib ang Pamahalaang Lungsod at Pandayan Bookstore sa pagsusulong ng iba’t ibang gawaing makasining.

Isa sa gawain ay ang Kulaysaysayan na dati ng ginagawa. Idinagdag ang clay painting, poster making, drum and lyre competition at workshop sa cartooning para sa teachers. Ang maganda dito, binigyan ng award ang Best MAPEH Teacher sa Bulacan ng Pandayan Bookstore. Sa darating na buwan, magkakaroon ng boat painting contest sa Pamarawan. Ito ay sa pakikipag-tie up sa Davies Paints. Kung matatandaan, nagpinta rin ng limang karatig jeeps ng magagandang tanawin.